Thursday, August 2, 2018

Mga Laro noon at ngayon by: BricksBryanMapue

Madaming mga laro noon at mga laro ngayon ano nga ba ang mga laro nila nanay at tatay noon at ano ang kaibahan sa laro nating mga post millenials?

Noon...
1. Tumbang Preso
Laro na nangangailangan ng strategy para di ka mataya, cooperasyon sa mga team mate para malito ang taya at magawang matumba ang lata at kailangan din dito ng tulungan upang makuhang muli ang iyong tsinelas na siya mo ring ginagamit na pantira ang larong ito sadyang masaya at di nakakasawa meron itong isang taya at maraming taga tira ng lata.

2. Tamaang tao

meron ditong magkakamping aabot sa 2,3,4,5 at iba pa merong taya at sila ang magbabato ng bola sa kalaban

 3. Patintero


Laro ng paliksihan pabilisan at stratehiya upang malusutan o makalampas sa guhit na binabantayan ng mga taya, magingat din sa batotot na maaring magpalipat lipat na linya. Kailangan makalampas ng lahat ng member (hindi taya) at makabalik sa base o starting line ng hindi na tatapik ng mga nagbabantay na taya. Isa itong laro na nangangailanan ng bilis at madaming enerhiya dahil ito ay nakakapagod ngunit ubod ng saya.


NGAYON-ANG MGA NILALARO NA NG MGA BATA AY ONLINE GAMES NA

1.MOBILE LEGEND
ang MOBILE LEGEND ay kadalasan nilalaro ng mga bata ngayon minsan nalang sila maglaro ng mga patintero,tumbang preso yan nalang lagi nila nilalaro MOBILE LEGEND




2.ROS
ito ay larong barilbarilan meron nito sa computer, at sa cellphoneyan ang ROS barilbarilan


3.MINECRAFT
ito namang MINECRAFT ay gumagawa ka dito ng bahay,train at iba pang pwedeng gawin



Marahil dahil nadin sa mga sirkumstanya kung bakit iba na ang hilig na laruin ng mga bata ngayon, ang ilan sa mga ito ay kagaya ng klima; dahil noon sa tanghali at hapon ay di gaanong mainit at maraming silong kayat ang mga kabataan noon ay nakakapaglaro sa labas di kagaya ngayon na dahil sa Global Warming ay sadyan nakapagdudulot ng sakit ang paglalaro sa labas isa pa marahil ang impluwensya ng makabagong technolohiya at ang malawakang pag kokomersyo nito dahil ito ang madalas na nakikita sa mga commercials na nagsasabing ito ay masaya ito ang in na in ito ang nilalaro ng lahat at iba pa ay naeenganyo ang lahat na ito ay laruin dahil nadin sa mabilis at malawak na internet marami ang nakakapaglaro nito at marami ang nakikilala at nakakalaro ng mga kabataan. Marami pang mga dahilan kagaya ng availability ng oras/lugar, kakayahang pisikal atbp. ngunit mangilan ngilan man meron paring naglalaro ng mga makalumang paraan ng paglilibang at sana ito ay atin parin subukan gawin at i preserve. 



ako ang inyong blogger ang blogger ng postmilenial ngunit may pusong premilenial:
BricksBryanMapue